Huwebes, Mayo 11, 2017



SAKRIPISYO

Tuwing sasapit ang kaarawan ko noong kabataan ko, maggie noodles ang lagi kong natatandaan na handa ko tuwing birthday ko..

Ngayon araw ng birthday ko na to tiniis ko na wag maghanda. Kung bakit, dahil gusto kong maramdaman ng pamilya ko na nauubos din ako hindi sa lahat nang oras kaya ko magsakripisyo para sa kanila...na maramdaman nila kung paano pahalagahan ang pinaghirapan ko..kung kaya nilang magwaldas ng pera nila sana wag isama ang perang pinaghirapan ko..

Ginamit pa nila anak ko na tumawag sa akin para makapag padala ako ng pera... masakit sa dibdib na isipin na pinipilit ka nilang magpadala ng pera, para makabili ng inumin, makapag handa ng bonga.. hindi naman yun ang kailangan ng mga taong kagaya ko... Simpleng bati lang na maligayang kaarawan at kumusta kana jan..Okey na yun masaya na ako dun, pero yung magtatampo na hindi mo pinadalhan nang pera..asan ang pagmamahal at pang unawa dun..Buti nalang madaldal anak ko at sinabing nanalo sila ng pera nung nakaraang araw at nag-inuman..Kaya mas lalo akong napaisip pera lang ba talaga ang nagpapasaya sa kanila..

Paano akong naghahanap  buhay dito sa malayo. Tinitiis mag-isa, kailangang kumayod at magtipid para may maipadala sa kanila..Kailangan ko bang magloan para may pang handa sila..yun ba yung tinatawag na "HAPPY NOW SACRIFICE LATER"..kasi pag katapos gastusin ang perang niloan ngayon ang magsasakripisyo ay ang magbabayad..

Hay BUHAY...


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang ABS-CBN na pinangalanang Best TV Station sa PMPC Star Awards para sa TV

Ang ABS-CBN ay pinarangalan bilang Best TV Station at nanalo ng 30 awards sa 31st PMPC Star Awards for Television. Ito ang ika-siyam na mag...