BUHAY BREADWINNER
Salamat google mabuti kapa may pa candle sa akin...
Tito ko tumawag sakin padalhan ko daw sila pera, para panghanda para sa birthday ko..sabi ko treat mu naman ako kasi 31 years ng nakalipas wala ka man lang naging regalo sa akin, wala rin akong pera ngayyon kasi kakatapus ko lang mag-enrol sa school kahapon..wa epek nakakasama ng loob..mas mabuti pang di nalang tumawag...
Minsan kasi mas gugustuhin mo nalang na walang wala ka, batiin ka ng happy birthday at sabihan na pasensya wala akong pang regalo kasi wala rin ako keysa pilitin ka na magpadala ng pera para pang-inum nila... Ni hindi nga ako umiinum kasi mahirap magkasakit..tapus sila bawat may okasyon inum, eh ilan ba ang myembro ng pamilya namin..pag nagkasit ako na naman ang mamomroblema pam pagamot sa kanila..Tumutulo nalang luha ko, wala ba akong halaga talaga sa pamilya ko dahil ang pagmamahal ng pamilya mo sayo may katumbas na pera..
Hay hirap mabuhay mag-isa....31 na ako ngayong araw nato..
Happy Birthay to me..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento